Calendar
Bus driver, konduktor vs 2 riders sa QC: 2 sugatan
DALAWA ang sugatan matapos mauwi sa pagtatalo ang isang away trapiko sa Brgy. Pasong Putik sa Quezon City.
Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), naganap ang insidente bandang 7:00 ng gabi noong May 2, 2026, sa kahabaan ng Quirino Highway malapit sa kanto ng Ascension Drive.
Sangkot dito ang isang bus driver na si “Edilberto” at konduktor na si Emerson laban sa dalawang motorcycle riders.
Bandang tanghali ng May 4 nang personal na magtungo sa Pasong Putik Police Station 16 ang mga biktima upang i-report ang insidente. Agad namang nagsagawa ng follow-up investigation ang pulisya, at sa tulong ng mga larawang ibinigay ng mga biktima, mabilis na natukoy ang mga suspek.
Sa imbestigasyon, lumabas na nagsimula ang gulo dahil sa umano’y mapanganib na pag-swerve ng dalawang motorsiklo sa bus lane, na nauwi sa komprontasyon at pananakit sa mga biktima.
Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong Serious Physical Injuries laban sa mga suspek sa Quezon City Prosecutor’s Office.
Muling pinaalalahanan ng QCPD ang publiko na pairalin ang disiplina sa kalsada. Anila, ang road rage at mga delikadong maneho ay maaaring magdulot ng kapahamakan sa buhay at ari-arian. Hinihikayat din ang agarang pagre-report ng insidente sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o sa E911 at QC Helpline 122 para sa mabilis na aksyon.

