Calendar
Sen. Hontiveros nagsusulong ng mas mahigpit na panuntunan sa party list
ISINUSULONG ni Sen. Risa Hontiveros ang mas mahigpit na panuntunan sa party-list system.
Kabilang sa panukala niya ang pagbabawal sa mga nominee na bahagi ng political dynasties, government contractors at empleyado ng contracting firms.
Isinulong ni Hontiveros ang Senate Bill No. 2090 sa ilalim ng Committee Report No. 57, o ang Party-List Reform Act upang palakasin ang representasyon ng marginalized sectors at pigilan ang pang-aabuso sa party-list system.
“The 1987 Constitution provides the foundation for the party-list system of representation in Congress,” sabi ni Hontiveros.
Ipagbabawal din ng panukala ang paggamit ng mga pangalan ng party-list na nakaugnay sa government projects o popular na politiko kung maaari itong makapanlinlang sa mga botante.
Sinabi ni Hontiveros na ilalaan ng panukala ang kalahati ng party-list seats para sa national at regional party-list organizations na may malinaw na ideological platforms.
“This aims to support more meaningful political organization efforts and a more mature party system,” ani Hontiveros.
Ang natitirang kalahati ng party-list seats ay ilalaan para sa basic sectors, at kailangang kabilang ang mga nominee sa sektor na kanilang kinakatawan.
Layunin ng panukala na tugunan ang mga agam-agam na ang party-list system ay nagagamit ng mga grupong may ugnayan sa kilalang political families o business interests.
Dadaan pa ang panukala sa susunod na yugto ng legislative process sa Senado matapos ang sponsorship at plenary deliberations.

