Calendar
Hontiveros: Pagpapatupad ng vape regulations higpitan
NANAWAGAN si Senate Deputy Majority Leader Risa Hontiveros ng mas mahigpit na pagpapatupad ng vape regulations, matapos magbabala na dahil sa mahinang age checks, online selling at patuloy na exposure ng mga produkto ay nagiging madaling makuha ng kabataang Pilipino, kabilang ang minors, ang vape products.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Health and Demography, sinabi ni Hontiveros na dapat repasuhin ang pagpapatupad ng Republic Act No. 11900, o Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act, dahil nalalampasan ang safeguards ng batas sa online selling at maging sa physical stores.
“Young people, some as young as 13 to 15, are already using vape products. Why is that? This is because vape products are attractive, accessible, and affordable. They are easy to buy, easy to expose, and easy to deceive. Online, just one click, I am 18, and there is already a delivery. Or just one private message (PM), you can already score on sellers on various social media platforms,” ani Hontiveros.
Ayon kay Hontiveros, ang kawalan ng tunay na age verification ang nagbibigay-daan upang makakuha ang minors ng mga produktong dapat ay restricted.
“There is no real age verification. There is no accountability. In physical stores, shops, kiosks, and other locations, vape products are still being sold. There are different flavors, and their exposure continues in cyberspace, the internet, and various online platforms,” dagdag niya.
Sinabi ni Hontiveros na kailangan ng masusing pagsusuri dahil may policy tension ang vape regulation sa pagitan ng harm reduction para sa adult smokers at panganib na maging entry point ang vape products para sa bagong henerasyon ng nicotine users.
Ayon sa senadora, dapat tugunan ng mga panukalang tinatalakay ang online selling, flavor-based marketing, youth exposure at accountability ng sellers.
Sinabi ni Hontiveros na dapat tiyakin ng gobyerno na ang proteksyon ng batas ay nararamdaman ng mga pamilya, paaralan at komunidad, at hindi nananatili lamang sa regulasyon.
Muling binigyang-pansin ng pagdinig kung paano maipatutupad ng regulators ang age restrictions at mababantayan ang vape sales sa social media platforms, physical stores, shops, kiosks at iba pang selling points.

