NBI

Pamamaril sa Senado iimbestigahan ng NBI

Jon-jon Reyes May 14, 2026
63 Views

MAGSASAGAWA ng sariling imbestigasyon ang National Bureau of Investigation sa pagpapaputok ng baril sa Senado noong Miyerkules, ayon kay NBI Director Atty. Melvin Matibag

“Wala pong nasaktan sa dami ng balang ipinutok medyo nakakapagtaka na wala namang tinamaan o nasaktan.

Magkakaroon po kami ng imbestigasyon para malaman po namin kung may mga na-involve kaya tutulong po kami sa imbistigasyon,” sabi ni Matibag.

Nilinaw din ng director na walang tauhan ang NBI na ipinadala sa Senado bago ang putukan, taliwas sa pahayag ni Sen. Imee Marcos kaugnay sa umano’y namataang mga ahente ng NBI sa paligid ng Senado.

“Well, unang-una wala kaming ahente na idi-neploy sa Senado.

Imposible naman po na may nakapasok dun dahil naka lockdown nga po ‘yan at ang OSSA ang nagbabantay. May blue guards, may security at sa pagkakaalam ko may pumasok pang Marines so hindi po yata kapani-paniwala na makakapasok dun ang NBI agents,” dagdag ng abogado.

Ayon kay Matibag, tanging kahilingan lamang ni GSIS President at General Manager Arnulfo “Wick” Veloso ang kanilang pinagbigyan kaugnay sa pag-deploy mula sa apat hanggang anim na ahente ng NBI para sa security reasons.