Delima

Protective custody di pwedeng pantakip sa ‘pagtakas’ ni Bato

53 Views

SINABI noong Huwebes ni Leila de Lima, kinatawan ng Mamamayang Liberal Party-list, na kailangang ipaliwanag ng Senado kung paano nakaalis si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kahit siya ay nasa ilalim umano ng protective custody.

“Ang protective custody ay hindi para pagtakpan o patakasin ang aarestuhin. Malinaw: may mga duwag at kasabwat ng duwag sa pananagutan,” ani De Lima, na miyembro ng House prosecution panel.

Lumabas ang pahayag matapos kumpirmahin ni Senate President Alan Peter Cayetano na wala na si Dela Rosa sa loob ng gusali ng Senado.

Si Rosa, dating hepe ng Philippine National Police noong administrasyong Duterte, ay nahaharap sa mga tanong ukol sa pananagutan sa harap ng International Criminal Court kaugnay ng madugong kampanya kontra droga.