Calendar
Musika nina Paganini, Wieniawski tinugtog sa Chicago concert

NAGKAROON ng classical concert sa Woman’s Athletic Club ng Chicago noong Mayo 13 sa Chicago, Illinois, sa pagdiriwang ng ika-80 anibersaryo ng ugnayang diplomatiko ng Pilipinas at Estados Unidos.
Tampok sa concert sina Jeanne Rafaella Ibañez Marquez (The Juilliard School), Adrian Nicolas Ong (Northwestern University), at Kristine Clair Galano (University of Cincinnati) na sinamahan ni Victor Santiago Asuncion.
Ang kaganapan ay pinangunahan ni Konsul Heneral Melanie Rita Diano sa pakikipagtulungan ng FilAm Music Foundation.
Nagkataon ang konsyerto sa pagdiriwang ng Asian American and Pacific Islander (AAPI) Heritage Month sa Amerika at National Heritage Month sa Pilipinas.
Tinugtog ng tatlo ang mga pyesa nina Paganini, Wieniawski, Ysaÿe at Hellmesberger.
Itinampok din ang Cavatina, Mutya ng Pasig, Sa Kabukiran, at Hating Gabi nina Nicanor Abelardo at Antonio Molina.
Iginawad ng Konsulado ang Plaque of Recognition kay Asuncion para sa kanyang adbokasiya sa musika.
Dumalo rin ang mga miyembro ng Chicago Consular Corps, mga pinuno ng komunidad ng Fil-Am at mga tagasuporta ng sining.

