Senado Source: PNA photo

Patas na imbestigayon sa kaguluhan sa Senado hiniling

38 Views

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano ng patas at walang kinikilingang imbestigasyon sa insidente ng pamamaril sa loob ng Senado noong Mayo 13 na kinasangkutan ng mga tauhan ng Office of the Senate Sergeant-at-Arms at National Bureau of Investigation, habang hinimok ang publiko at mga opisyal ng pamahalaan na hanapin ang katotohanan, magpigil, at panatilihing nakatuon ang kapulungan sa mahahalagang problema ng bansa.

Ayon kay Cayetano, kailangang ipagpatuloy ng Senado ang trabaho sa mga hakbang na makatutulong upang maibsan ang bigat ng ekonomiya sa mga Pilipino.

Muli niyang isinulong ang panukalang 10-percent savings sa lahat ng departamento ng pamahalaan bago mag-isip ng bagong buwis.

Ayon sa Senate President, ang pagbabago sa liderato ng Senado ay hindi dulot ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte, gaya ng haka-haka ng ilan, kundi ng pangamba sa direksyong tinatahak ng kapulungan at ng pangangailangang tumugon sa mabibigat na problemang nararanasan ng ordinaryong Pilipino.

Binanggit niya ang pagtaas ng presyo, mga usapin sa langis at enerhiya, produktibidad ng mga magsasaka, edukasyon, korapsyon, at tiwala ng publiko sa pamahalaan bilang mga isyung dapat manatiling nasa sentro ng trabaho ng Senado.

Sinabi ni Cayetano na magninilay rin siya sa kanyang unang mga araw bilang Senate President at kung paano mas mapangangalagaan ng Senado ang institusyon habang naglilingkod sa publiko.

“Could I have done better? Did I do my best? Was I there for other people? Am I fully protecting the institution?” sabi ni Cayetano.

Sa kanyang Facebook livestream noong Mayo 16, nanawagan si Cayetano ng “prayer and reflection,” kasabay ng pagsasabing natabunan na ng magkakasalungat na narrative at counter-narrative ang usapan ng publiko tungkol sa mga naganap sa Senado.

“Parang bang rumble sa college na wala nang pakialam kung sino tama’t mali,” sabi ni Cayetano.

“If in the past few days we’ve seen public relations campaigns, ang PR campaign na akin pong pino-propose ay Prayer and Reflection campaign,” dagdag niya.

Sinabi ni Cayetano na dapat magsimula sa katotohanan ang pagharap sa mga isyung kinakaharap ng Senado at ng bansa.

“If we do not start with the truth, we cannot address the problem,” aniya.

Tinapos ni Cayetano ang kanyang livestream sa panawagan ng malasakit at pagpipigil sa kabila ng pagkakaiba sa pulitika.

“Sana po, magkalaban man tayo sa politika, magkaiba man ang opinion natin, we can start looking at each other as lahat anak ng Diyos,” aniya.

“Just because we have different ideas, we don’t have to call each other evil, or call each other names,” dagdag niya.

Sinabi ni Cayetano na dapat pa ring ituwid ang mali, ngunit hindi dapat mawala ang malasakit sa kapwa sa proseso.

“Yes, there is evil in our society, pero ang sabi nga, hate the sin but not the sinner,” sabi niya