OFW Party List.

Laban vs illegal recruiters mapapalakas sa all-out war ng DMW

Mar Rodriguez May 17, 2026
91 Views

MAPAPAIGTING ng pamahalaan ang kampanya laban sa illegal recruitment kung maglulunsad ng all-out-war ang Department of Migrant Workers (DMW) laban sa mga entities na ito, ayon sa

Nananawagan si dating OFW Partylist Rep. Marissa Magsino kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac na kailangan pa nitong palakasin ang kanilang kampanya laban sa illegal recruitment sa bansa.

Nababahala si Magsino dahil sa kabila ng malawakang kampanya ng pamahalaan laban sa illegal recruitment, tila hindi nababawasan umano ang illegal na gawain at lalo pang nagsulputan na parang kabute.

Iminumungkahi ng dating solon ang paglulunsad ng “all-out-war” o isang malawakan at puspusang kampanya upang tuluyan ng mapuksa ang mga sindikatong nasa likod ng modus na bumibiktima ng maraming Pilipino.

Sinabi ni Magsino na ang pangunahing apektado ng laganap na illegal recruitment ay ang mga kaawa-awang Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ang pahayag ni Magsino ay kasunod ng naging babala ni Sen. Raffy Tulfo na mas madali mabiktima ng illegal recruiters ang mga Pilipinong naghahanap ng trabaho dahil sa kasalukuyang nararanasang krisis sa ating bansa.