Rep. Renee

Ang Kabataan: Ituloy agad ang impeachment; di dapat hadlangan ang proseso

33 Views

MATAPOS maipadala ng House of Representatives sa Senado ang articles of impeachment, inaasahan ng mga grupo na agad magpupulong at tatalakayin ng impeachment court ang usapin.

Ipinahayag ni House Assistant Minority Leader at Kabataan Rep. Atty. Renee Co ang panawagan ng mga progresibong grupo: “Dapat agarang ituloy ang impeachment. Isang malaking pagkukulang sa sambayanang Pilipino kung maaantala pa nang mas matagal ang pagdinig ng impeachment.”

“Hindi dapat mahadlangan ng anumang kaguluhan sa liderato ng Senado ang proseso ng impeachment,” diin ni Rep. Renee. “Panahon na ito ng pananagutan, hindi ng simpatiya o pamumulitika.”

“Maling paghiwalayin ang gutom ng taumbayan at ang pagpapanagot sa mga kurakot. Magkaugnay ang pampublikong serbisyo at pananagutan sa pagsusulong ng hustisya. Mabibigyang-lunas lamang ang gutom ng mamamayan kung maayos at tama ang paggamit sa pondong mula sa ating buwis.”

“Iisa lang ang panawagan ng taumbayan: ituloy na ang impeachment, panagutin na ang mga kurakot!”