Laguna

Laguna health program umangat

Gil Aman May 19, 2026
21 Views

UMANGAT ang pinalawak na programang pangkalusugan sa Laguna ni Gov. Sol Aragones sa loob lamang ng 10 buwan simula ng siya’y manungkulan.

Nais ni Aragones na tuluy-tuloy na makaabot ang programang pangkalusugan sa mga mamamayan.

Nakatuon ang inisyatibo sa pagpapabuti ng gamutan at ospital sa pamamagitan ng mas malawak na tulong medikal, pagpapaunlad ng mga pasilidad at pagdagdag ng mga espesyal na programang pangkalusugan.

Tugon ito sa patuloy na pangangailangan ng mga Lagunense sa mga lungsod at bayan, lalo na ng mga mahihirap at nasa laylayan ng lipunan.

“Ito muna po ang ulat ko sa ngayon marami pa pong kailangan ayusin pero ganadong-ganado ako at kakarerin ko ito,” pahayag ni Aragones.

Sa programa na sumasakop sa 30 bayan, nalagyan din ng mga libreng gamot sa pamamagitan ng mga itinayong botika.

Sa kasalukuyan, ang lalawigan ay may tatlong dialysis machines na inilagay sa tatlong ospital.

Isang pray over ang iginawad ng pastor movement sa Biñan kung saan naging panauhin sa pagtitipon ang gobernador ng lalawigan.