Calamba

PRO 4A cops nakakuha ng medalya

25 Views

Calamba1CALAMBA CITY, Laguna–Ginawaran ng Medalya ng Kagalingan at Medalya ng Kadakilaan ang ilang pulis sa lalawigang ito bilang pagkilala sa kanilang nagawa sa mamamayan.

Naganap ang awarding ng medalya sa flag raising sa Camp Vicente Lim sa lungsod na ito na pinangunahan nina P/BGen Felix Verbo Jr. at P/Col. Glenn Lonogan, Deputy Regional Director for Administration ng PRO 4A.

Ipinaabot ni PCol. Lonogan ang kanyang pagpapahalaga sa dedikasyon, propesyonalismo, at tapat na pangako ng buong puwersa sa kanilang tungkulin.

Pinaalalahanan niya ang bawat pulis na panatilihin ang integridad, disiplina, at pananagutan sa lahat ng pagkakataon.

“Despite the viral and trending videos related to some PNP personnel, let us not forget that there are still more police officers who are honest,” pahayag ni P/Col. Lonogan.