Shabu

P1.4M nasamsam sa mag-live in

39 Views

Shabu1KAMPO VICENTE P. LIM, Calamba City, Laguna–Timbog ang pinaniniwalaang mag-live in partner sa buy-bust sa Brgy. Sta. Clara, Batangas City noong Huwebes na may pag-iingat na P1.4 milyon na halaga ng shabu.

Ang mga nadakip ay kinilalang sina alyas Leony, 45; at Ysrael, 44.

Nakumpiska sa 2 hinihinalang shabu na may timbang na 209.74 gramo at tinatayang aabot sa P1,426,232.

Narekober din ang isang purse at ang ginamit na buy-bust money.

Ipinahayag ni Police Brigadier General Hansel Marantan, director ng PRO 4A, na ang operasyon ay bahagi ng mas pinalakas na kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa iligal na droga.