Sotto1 Dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III

Sen. Sotto: Never namin pinag-usapan ang con-ass

54 Views

ITINANGGI ni dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III na pinag-usapan ng Senate minority ang constituent assembly.

Aniya pa, tama si Senador Panfilo “Ping” Lacson sa pahayag niyang hindi kailanman natalakay ng kanilang grupo ang constituent assembly o con-ass.

Nag-usisa ang mga mamamahayag kaugnay ng social media posts ni Sen. Imee Marcos na nagtatanong kung may naganap na pulong kung saan pinag-usapan ang charter change sa pamamagitan ng con-ass

“Mali siya. Tama si Ping. Never namin pinag-usapan ang con-ass,” sabi ni Sotto.

Nilinaw ni Sotto na hindi dapat iugnay sa Senate minority ang alegasyon.

Sinabi rin niya na hindi niya inendorso ang ideya, at nilinaw na ang sarili niyang komento tungkol sa posibleng constitutional amendments ay limitado sa isang casual remark tungkol sa pagpapababa ng age requirement para sa pangulo at mga senador.

“Ang sabi ko pa ‘if ever there is an amendment to the Consti,’ I prefer we lower the age for president and senators. It’s a simple friendly talk. The eavesdropper had misconception,” sabi ni Sotto.

Nangyari ang palitan matapos ang social media posts ni Marcos na nagtatanong kung pinag-usapan ang con-ass at posibleng term extension.

Binanggit sa isa sa mga post si Lacson na nagsabing limitado ang caucuses ng minority at hindi kailanman pinag-usapan ang con-ass.