Lacson

Lacson: Mga foreign conflicts di maituturing na force majeure

49 Views

SINABI ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na magiging “unforced error” ang paggamit sa mga foreign conflict bilang force majeure upang bigyang-katwiran ang remote participation at online voting sa Senado.

Ginawa ni Lacson ang pahayag bilang tugon sa social media post ni Senador Robinhood Padilla, na nagtanong kung maituturing bang force majeure ang giyera sa Gitnang Silangan at ang tensyon sa pagitan ng China at Taiwan.

“Hindi po ito ‘force majeure’. Iyan po ay ‘UNFORCED ERROR’,” sabi ni Lacson sa isang post sa X.

Sinabi ni Lacson na pinapayagan lamang ng Senate rules ang virtual participation sa panahon ng force majeure o national emergency.

Ayon sa kanya, dapat malimitahan ang remote participation sa mga hindi inaasahan o hindi makontrol na pangyayari, o emergency na pumipigil sa mga senador na pisikal na dumalo sa sesyon.

Aniya, ipagpapatuloy ng Senate minority bloc ang debate, pagtatanong, interpellation, at paglalatag ng amendments kung ipagpapatuloy ng majority bloc ang pagtulak sa online participation sa Senate proceedings, kabilang ang remote voting.

“We’ll keep debating, asking questions, interpellating, and introducing amendments if it comes to that. If they disregard Section 24 and insist on Section 136 of the Rules of the Senate and divide the house and we lose the voting, so be it,” sabi ni Lacson sa isang panayam.

“If the majority commits grave abuse of discretion, we’ll have the option to bring the case before the Supreme Court,” dagdag niya.

Nauna nang kinuwestiyon ni Lacson ang hakbang ng majority bloc na talakayin at botohan sa plenaryo ang mosyon ni Senador Rodante Marcoleta na magpapahintulot sa online participation sa Senate proceedings.

Ayon kay Lacson, salungat ang hakbang sa Rules of the Senate at sa committee system ng kapulungan.

Iginiit niya na Section 24 ng Rules of the Senate ang dapat pairalin sa mosyon ni Marcoleta dahil na-refer na ito sa Committee on Rules. Sa ilalim ng probisyong ito, sinabi niya na dapat talakayin, pagpasyahan, at iulat ng komite ang lahat ng bagay na ini-refer dito.

Sinabi rin niya na hindi pa nabubuo ang Committee on Rules dahil wala pa itong chairman at mga miyembro matapos ang leadership change noong Mayo 11.

Ayon kay Lacson, hindi rin dapat pairalin ang Section 136, na binanggit ni Senate President Alan Peter Cayetano, dahil na-refer na sa Committee on Rules ang mosyon.

Sinabi ni Lacson na maaaring pumasok ang Supreme Court kung may kasong inihain kaugnay ng grave abuse of discretion ng isang opisyal, ahensya, o departamento ng gobyerno.

“So the Supreme Court can enter the picture if there is a grave abuse of discretion. The other option for the Supreme Court is not to step in because it will not interfere in our internal rules.

But that is our final option, if Rule 136 is forced on us — which to us is unacceptable,” sabi ni Lacson.

Sinabi rin ni Lacson na maaaring muling mag-walkout ang minority kung kakailanganin. Aniya, ang walkout ng minority noong Martes ang nag-iwan kay Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III sa plenaryo para kuwestiyunin ang quorum at imosyon ang adjournment ng sesyon.

“The majority cannot force the adoption of a motion without quorum. So we may also do that again — the minority leader will be left on the floor to question the quorum, a repeat of what happened last Tuesday,” sabi niya.

Kinontra rin ni Lacson ang mga pahayag na maihahambing ang mosyon ni Marcoleta sa naunang panukala kaugnay ni dating Senador Leila de Lima.

Ayon sa kanya, ang resolusyong co-authored niya kasama si dating Senador Franklin Drilon ay para lamang payagan si De Lima na lumahok sa committee hearings at plenary sessions, at hindi para payagan siyang bumoto remotely.

“That’s all there was to it. Participate. Hindi kasama she can vote,” sabi ni Lacson.