Rye OCTA Research Fellow Ranjit Rye

OCTA: Pagpapaunlad sa ekonomiya, VP Sara impeachment kaya pagsabayin ng mga mambabatas

25 Views

PUWEDENG ituloy ng mga mambabatas ng House of Representatives at Senado ang constitutional responsibilities nila kasabay ng impeachment proceedings ni Vice President Sara Duterte habang ginagampanan ang trabaho nila para sa pag-unlad ng ekonomiya, ayon sa OCTA Research fellow nitong Sabado.

Sinabi ni University of the Philippines Assistant Professor at OCTA Research Fellow Ranjit Rye, kayang pagsabayin ng mga kongresista ang kanilang constitutional mandate.

“Trabaho ng House at tsaka Senate ’yan, kasi ’yung power of the purse nasa kanila eh. Sana hindi ho matanggal ang focus habang ginagampanan natin ang constitutional roles natin dito sa impeachment,” ayon kay Rye.

Base sa OCTA Research first quarter 2026 survey, kasama sa top urgent national concerns ng mga Pilipino ang pag-control sa pagtaas ng basic goods and services (45 porsiyento), improvement ng suweldo ng manggagawa (33 porsiyento), paglaban sa graft and corruption (26 porsiyento), access sa murang bigas, gulay at karne (24 porsiyento) at pagbabawas ng kahirapan (20 porsiyento).

Idinagdag ni Rye na ang mga bagay na ito ang sentro ng legislative agenda lalo na at malapit na naman ang budget season para sa 2027.

“Kung matalino lang ang politiko, ’yun lang ang babasahin nila. ’Yun ang agenda nila for the next year. Kasi ’yun ho ang sinasabi ng mga kababayan natin—ano ang dapat bigyan ng pansin ng solusyon ng ating gobyerno in the next three months. ’Yan ang importanteng kailangan hindi natin makalimutan habang nililitis natin ang impeachment sa Senado, na the both Houses should focus on what Filipinos yearn. They yearn for a solution to the everyday problems and they’re all economic,” dagdag ng opisyal.

Sinabi pa niya na dumadami ang mga Pilipino na nababahala sa lumalalang corruption at marami sa kanila na itinuturing na “urgent” ang isyu na ito.

Pasok ang graft sa top five urgent national concerns sa Pilipinas, ayon sa opisyal.

“Was it an urgent issue last year? Two years ago? Hindi. Was it a top 10 issue, yes. Pero ngayon, it continues to be an issue. Sa mga kababayan natin, nakikita nila ’yung hirap ng buhay, kailangan ng tulong, kailangan ng ayuda, kailangan ng government programs to help the poor, pero may one political issue na sinasabi sila: fighting corruption,” pahayag ni Rye.