Calendar
DBM inaprubahan 22,236 bagong non-teaching posts sa DepEd
APRUBADO na ang mahigit 22,236 bagong non-teaching positions sa Department of Education (DepEd) ng Department of Budget and Management (DBM) para sa 2026.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, makatutulong ang mga ito sa workload ng mga guro.
“Sa pamamagitan ng mga bagong posisyong ito, mas makatututok na ang ating mga titser sa pagtuturo at sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon sa bansa,” sinabi ng kalihim ng DepEd.
Binubuo ang mga items ng 6,000 School Principal I; 11,268 Administrative Officer II; at 5,000 Project Development Officer I para sa elementary at secondary levels.
Ipo-post ang mga bagong positions sa 17 rehiyon ng Pilipinas.
Nauna nang inaprubahan ng DBM ang 32,916 na bagong teaching positions para mapunan ang public school teacher shortage ng bansa.

