Calendar
Pekeng litrato, AI-generated images naglipana, ‘wag pansinin–BFP
BINALAAN ng Bureau of Fire Protection (BFP) tungkol sa mga naglipanang peke at artificially generated (AI) images sa social media ng mga operasyon ng mga bumbero.
Kasama sa hindi dapat pansinin ang mga litrato na nakikita ang mga biktima ng sunog sa kaawa-awang sitwasyon habang naka-wacky shots ang mga firefighters.
Ayon sa ahensiya, hindi dapat bigyang pansin ang mga ganitong litrato dahil taliwas ito sa mantra ng BFP na tumulong sa mga dapat tulungan.
“Sa panahon ng emergency at sakuna, mabilis kumalat ang impormasyon online ngunit hindi lahat ng nakikita ninyong larawan ng mga rescue operations ay totoo,” sabi ng BFP.
Madali ma-identify ang AI-generated images dahil mali ang mga spelling, distorted ang writings sa uniforms at helmets ng mga firefighters.
“Ipreport ang mga AI-generated images na maaaring makapahamak sa operasyon,” payo ng BFP.

