Calendar
Nagmomotor pinara sa checkpoint tiklo sa boga
ARESTADO ang rider sa checkpoint ng mabisto na may dalang hindi lisensiyadong baril noong Huwebes sa Las Piñas City.
Buking si alyas Angelo, 35, na may dalang cal .45 pistol na kargado ng pitong bala sa magazine na nakumpiska sa kanya.
Nagsasagawa ng Oplan Sita sa kanto ng J. Aguilar Avenue at Green Revolution St., Brgy. CAA, Las Pinas alas-10:00 ng gabi ang mga pulis ng parahin ang suspek para sa inspeksiyon at beripikasyon.
Habang hinahanap ng suspek ang lisensiya sa kanyang belt bag, lumantad ang dalang baril kaya’t hinanapan siya ng lisensya at permit to carry para sa dalang armas pero walang naipakita ang rider.
Kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang isasampa laban sa suspek sa Las Piñas City Prosecutor’s Office.

