Bonifacio

128th PH Independence Day ginunita sa Bonifacio monument

Edd Reyes Jun 12, 2026
60 Views

GINUNITA sa Bonifacio Monument sa Caloocan City ang ika-128 taong Araw ng Kalayaan na pinangunahan ng mga opisyal ng lokal at pambansang pamahalaan noong Biyernes.

Nanguna sa pagdiriwang sina Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan, Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian, Caloocan 1st District Congressman Oca Malapitan at iba pang mga opisyal at mga kinatawan ng socio economic groups.

Sa gitna ng pagdiriwang, kinilala ni Mayor Along ang papel na ginampanan ng kasaysayan sa pagbuo ng bansa at hinikayat ang mga kabataan na hindi lang dapat sundan ang yapak ng mga bayani kundi higitan pa ang mga ito.

“Ngayong Araw ng Kalayaan, alalahanin nating lahat na ang tinatamasa nating kapayapaan, kalayaan at pagpapahalaga sa ating mga karapatan ay utang natin sa mga bayaning kagaya ni Gat Andres Bonifacio,” pahayag ni Mayor Along sa kanyang talumpati.

Hinikayat din ng alkalde ang mga kapwa lingkod-bayan na maging halimbawa sa pagpapamalas ng pagmamahal sa bansa.