Posas

Parak prinenonahan drag racing sa Rizal

30 Views

SWAK sa rehas ang 12 suspek noong Lunes matapos maaresto dahil sa drag racing sa Sitio Mabiya, Brgy. Malaya, Pililla, Rizal.

Naglunsad ng hot-pursuit operation ang mga pulis sa pamumuno ng kanilang hepe at nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek at pagsamsam sa mga ebidensya na kinabibilangan ng dalawang itim na Kawasaki Barako tricycle na kapwa walang plaka at perang pantaya na nagkakahalaga ng P99,000.

Bandang alas-3:30 ng madaling araw noong Hunyo 15 ng i-turn over ang mga suspek sa himpilan ng pulisya matapos ang operasyon.

Nahaharap ang mga ito sa mga kasong paglabag sa RA 4136 (Land Transportation and Traffic Code) at Presidential Decree 1602 (Illegal Gambling Law).