Rene Source: Kiko Pangilinan FB

Pangilinan naghain ng panukala para sa proteksyon ng student-athletes

30 Views

NAGHAIN si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ng panukalang batas na nagpapalakas ng proteksyon sa kaligtasan ng student-athletes kasunod ng pagkalunod nina Rene Baterbonia at Divine Adili.

Inihain ni Pangilinan ang Senate Bill No. 2268, o ang panukalang Student-Athlete Safety, Welfare, and Protection Act, upang magtakda ng minimum safety standards at safeguards para sa mga atletang kalahok sa school-sanctioned sports activities.

“That is the principle behind our bill—to ensure that no young athlete is left without the safeguards, support, and protection they deserve,” dagdag niya.

Layunin ng panukala na magtatag ng Bill of Rights para sa student-athletes, kabilang ang karapatan sa kaligtasan, kalusugan, dignidad at edukasyon.

Inaatasan din nito ang pagkakaroon ng safe training environments, medical care at mental health support, gayundin ang proteksyon laban sa hazing, abuse at retaliation.

Sa ilalim ng panukala, magkakaroon ng student-athletes ng karapatang mag-ulat ng unsafe conditions, tumanggap ng academic accommodations habang nagpapagaling mula sa injury at malaman ang mga panganib at safety measures sa school-sanctioned athletic activities.

Dapat sabayan ng safeguards ang athletic excellence, sabi ni Pangilinan.

“Athletes are not robots built to endure everything. They are young people entrusted to our care, and protecting them should be non-negotiable,” sinabi ni Pangilinan.

Walang medalya, tropeo o kampeonato ang hihigit sa buhay ng student-athlete, ayon sa senador.