BI

Hepe ng BI pang-4 na govt official sa ‘Boses ng Bayan’ index

Jun I Legaspi Jun 16, 2026
26 Views

NAGPASALAMAT si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Anthony Viado matapos siyang kilalanin na isa sa mga opisyal ng pamahalaan sa “Boses ng Bayan” Index of Governance Trust and Performance Ratings ng RP Mission and Development Foundation Inc. (RPMD).

Nasa ikaapat na ranggo si Viado sa lahat ng opisyal ng pamahalaan na may 85% performance at trust rating.

Nanguna sa listahan si Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remula, 89.7%, sinundan ni National Bureau of Investigation Director Melvin Matibag, 88.1%, at Technical Education and Skills Development Authority Secretary Jose Francisco “Kiko” Benitez, 86.5%.

Ayon kay Viado, ang pagkilalang ito ay sumasalamin sa dedikasyon ng mga kawani ng Bureau of Immigration sa pagsusulong ng reporma at pagpapabuti ng serbisyo publiko.

“Taus-puso kong tinatanggap ang pagkilalang ito. Hindi ito personal na tagumpay kundi patunay ng sama-samang pagsisikap ng ating mga immigration officers at personnel,” ani Viado.

Ipinahayag din ng BI Commissioner na ang mga tagumpay ng ahensya ay bunga ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ng kanyang bisyon para sa Bagong Pilipinas.

Mula nang maupo sa puwesto, itinulak ni Viado ang mga reporma para palakasin ang seguridad sa hangganan, pagbutihin ang immigration services, paigtingin ang operasyon laban sa ilegal na aktibidad ng mga dayuhan, labanan ang human trafficking, at pabilisin ang digital transformation ng ahensya.

Nangako siyang ipagpapatuloy ang mga hakbang na ito at magsusulong pa ng karagdagang reporma upang matiyak na nananatiling kaakibat ng administrasyon ang Bureau sa layunin ng mahusay na pamamahala at mas maayos na serbisyo publiko.