Rape Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Maria Agbon ang rape suspek na kabilang sa top 3 Most Wanted Person matapos maaresto ng mga operatiba ng Warrant Section ng MPD Station 9 sa Malate, Manila. JONJON C. REYES

GRAB DRIVER ARESTADO SA KASONG RAPE SA MALATE

Jon-jon Reyes Jun 17, 2026
85 Views

NATIMBOG ang 28-anyos na lalaking Grab driver ng mga operatiba ng MPD Malate Police Station 9 sa isang bahay sa Smith Street sakop ng Brgy 743, Malate, Manila, Martes ng tanghali.

Nakilala ang suspek na si alyas Ompong, 28, binata, tubong Makati City, Grab driver at residente ng Smith Street, Malate.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Maria O. Agbon, bandang 10:30 ng tanghali nang maispatan ng mga operatiba ang suspek habang nagsasagawa ng manhunt operation sa nasabing lugar.

Ang arrest warrant ay isinilbi sa akusado ng operatiba sa pangunguna ni PLt. Renen M. Malonzo, chief ng SIDMS.

Ang warrant of arrest laban sa akusado ay inisyu ni. Judge Melvin Cydrick Malicdem Bughao, ng Regional Trial Court, National Capital Judicial Region, Branch 298, Pasay City.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Nagpasalamat at pinuri ni MPD Chief PBGen. Arnold C. Santiago ang Malate Police Station 9 dahil sa matagumpay at payapang pagkahuli sa Top 3 Most Wanted Person sa Station Level.