Rizal

Rizal pinarangalan sa Texas

33 Views

Rizal1Rizal2

NAKIISA ang Philippine Consulate General (PCG) sa Houston, sa pamumuno ni Vice Consul Tanya Gaurano, sa mga opisyal ng Knights of Rizal Texas Area Foundation (KORTAF) para sa pagpupugay kay Dr. José Rizal sa Philippine Community Center sa Houston, Texas.

Binigyang-diin ni Vice Consul Gaurano ang makasaysayang buhay at walang-kupas na pamana ng pambansang bayani.

Inugnay niya ang simbolismo ni Rizal sa diwa ng kahusayan ng mga makabagong Pilipino, na ipinagdiwang sa pamamagitan ng Dr. José Rizal Excellence Awards ngayong taon.

Ang mga parangal ay iginawad sa mga natatanging indibidwal sa larangan ng Medicine and Nursing, Arts, Entrepreneurship, Engineering, Education, and Community Service.

Naging makasaysayan din ang gabi para sa KORTAF dahil sa dalawang mahahalagang tagpo: ang opisyal na pagtatalaga ng mga bagong opisyal at miyembro ng Kababaihang Rizalista, Inc. (KRI) at ang paglalahad sa publiko ng bagong rebulto ni Rizal.

Ang rebulto ay permanenteng ilalagak sa Rizal Park sa Thompson, Texas.