Lacson

Lacson binanggit papel ng disiplina sa gitna ng karahasan sa paaralan

34 Views

SINABI ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na ipinapakita ng mga insidente ng karahasan sa paaralan ang pangangailangang tingnan ang papel ng disiplina sa tahanan at sa paaralan.

“Juvenile Justice Law: My generation must be missing our fathers’ belts, our mothers’ bamboo sticks and our teachers’ rulers. We were disciplined, always at home for the 6:00 o’clock evening prayers to receive our daily blessings from our elders. Those were the days,” ani Lacson sa X.

Ang Tacloban school shooting ay kabilang sa mga insidenteng nagtulak sa mga senador na suriin ang school safety, kapakanan ng kabataan, online exposure, mental health support at pagtugon ng pamahalaan sa mga menor de edad na nasasangkot sa mabibigat na insidente.

Ang dalawang menor de edad na sangkot umano sa insidente ay posibleng naimpluwensiyahan ng 764, isang international online network na iniuugnay sa violent extremist grooming ng mga menor de edad.

Ayon kay Lacson, natutuhan ng kanyang henerasyon ang disiplina mula sa mga magulang at guro na nagturo ng paggalang, responsibilidad at pananagutan sa murang edad.

Pinapalo siya ng kanyang ina kapag umuuwi siya nang gabi, ngunit pagkatapos ay umiiyak din ito at pinapaalalahanan siyang huwag maging matigas ang ulo.

Ayon kay Lacson, ang ganitong disiplina ang nakatulong sa paghubog ng mga pagpapahalaga tulad ng integridad at pananagutan na naging gabay niya bilang tagapagpatupad ng batas at mambabatas.