Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Halos 100k pasahero naka-libre ng sakay sa programa ni VP Sara

322 Views

HALOS 100,000 pasahero ang nakalibre ng sakay sa Peak Hours Augmentation Bus Service (PHABS) – Libreng Sakay program ni Vice President Sara Duetrte.

Ayon sa datos na inilabas ng Office of the Vice President (OVP), umabot sa 1,470 ang biyahe ng programa at nakapagsakay ng 98,293 indibidwal.

Ang mga bus na wifi ready ay pahirap sa OVP subalit naisip ni Duterte na mas mapapakinabangan ito kung gagamitin sa libreng sakay.

Ang libreng sakay ng OVP ay nagsimulang bumiyahe noong Agosto 3 sa mga piling lugar sa Metro Manila, Cebu, Lapu-lapu, Mandaue, Bacolod, at Davao City.