BBM Iginawad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Certificate of Recognition kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco sa 2026 GOCC Day sa Malacañang noong Hulyo 8. Source: Presidential Communications Office.

PBBM pinarangalan PAGCOR sa pag-remit ng P5.67 bilyon

29 Views

PINARANGALAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) matapos itong mag-remit ng kabuuang P5.67 bilyon sa national government noong 2025.

Tinanggap ni PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco ang Certificate of Recognition mula sa Pangulo sa ginanap na 2026 GOCC Day sa Malacañang nitong Miyerkules, Hulyo 8, bilang pagkilala sa ambag ng ahensya sa nation-building.

Ang PAGCOR ang ikalimang pinakamalaking nag-remit ng dibidendo sa pamahalaan sa hanay ng 50 government-owned and controlled corporations (GOCCs).

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na mahalaga ang papel ng mga GOCC sa pagsusulong ng kaunlaran ng bansa.

“It is proof that sound governance and fiscal responsibility can create opportunities for our people, while sparing them from bearing greater financial sacrifice,” aniya.

“You have shown that government institutions can deliver with professionalism, produce meaningful results, and earn the trust of the Filipino people,” dagdag niya.

Ayon naman kay G. Tengco, magsisilbing inspirasyon ang pagkilala upang higit pang pagbutihin ng PAGCOR ang pagtupad sa tungkulin nito.

“Despite recent challenges brought about by global uncertainties, PAGCOR remains resolute in its commitment to support nation-building initiatives that help uplift the lives of Filipinos,” aniya.

“We will continue to exercise fiscal discipline and work even harder to generate greater revenues for the benefit of the nation,” dagdag pa niya.

Ang P5.67 bilyong dibidendo ay katumbas ng 50 porsiyento ng net earnings ng PAGCOR noong 2025, alinsunod sa Republic Act No. 7656 o Dividends Law, na nag-aatas sa mga GOCC na i-remit sa national government ang hindi bababa sa kalahati ng kanilang taunang net earnings.

Ayon sa Department of Finance, umabot sa Php147.15 bilyon ang kabuuang dibidendo ng 50 GOCCs para sa 2026. Hanggang Hulyo 8, nakakolekta na ang pamahalaan ng Php140 bilyon, habang inaasahang maire-remit ang nalalabing halaga bago matapos ang taon.