Laguna1

PRO 4A cops inaresto 63 crime suspek

102 Views

Laguna

KAMPO VICENTE LIM, Calamba City, Laguna—Naaresto noong Huwebes ng mga tauhan ng Police Regional Office (PRO) 4A ang 63 katao na may warrant of arrest.

Ang pag-aresto ay naisagawa sa loob lamang ng 24 oras, ayon sa report

Kinumpirma ng pulisya na apat sa naaresto ang kabilang sa Regional Most Wanted Persons, tatlo sa provincial at siyam sa city at municipal.

Ayon kay PRO-4A director P/BGen. Dominic Baccay, ang tagumpay na ito ay bunga ng intelligence-driven at pinaigting na law enforcement operations sa ilalim ng B.E.S.T. (Be Visible, Engage Immediately, Serve Together, Transform Trust) strategic framework.

Kasalukuyan ng nakakulong ang mga suspek, ayon sa report.