Calendar
Larawan: Rovelyn Baterbonia/FB
Nation
‘RENE PERFUME FOR SALE’
Peoples Taliba Editor
Jul 24, 2026
40
Views
NAGLABAS na ng mga merchandise ang pamilya ng yumaong student-athlete na si Rene Baterbonia bilang pag-alala sa kanya.
Sa Facebook Live ng kanyang ina na si Rovelyn Baterbonia, inanunsiyo ang pagbebenta ng iba’t ibang produkto na may kaugnayan kay Rene, kabilang ang jersey, T-shirt, perfume, notebook, keychain at iba pang memorabilia.
Ayon kay Rovelyn, inilabas ang mga merchandise kasabay ng paggunita sa ika-40 araw ng pagpanaw ng kanyang anak. Maaari ring mabili ang mga ito sa booth na itinayo sa puntod ni Rene.
Makikita sa listahan ng mga ibinebenta ang iba’t ibang disenyo ng jersey at T-shirt, kabilang ang limitadong edisyon na “Justice” shirt, gayundin ang iba pang souvenir items na iniaalok sa mga nais magbigay-pugay sa yumaong atleta.
Pamamahagi ng murang bigas sa Zambales tuloy
Jul 25, 2026

