Calendar
Madrona todo suporta sa mga mag-aaral, guro
DUMALAW si Romblon Cong. Eleandro Jesus Madrona sa mga guro at mag-aaral sa Agripino Armedilla National High School sa Brgy. Mat-i, Santa Fe noong Hulyo 24.
Ayon kay Madrona, layunin ng pagbisita na mapalakas ang ugnayan ng pamahalaan at ng mga paaralan, gayundin ang patuloy na pagsusulong ng mga programang makikinabang ang mga kabataang Romblomanon.
Isinagawa ang pagbisita ni Madrona sa inisyatiba ng school head at assistant school principal II na si Lorjie Pamindalan Rotoni.
Tinanggap ang kongresista nina Santa Fe Mayor Asher C. Visca, Vice Mayor Cean Punzalan-Del Prado, Punong Barangay Arlan Capispisan, Schools District Supervisor Jose Garcia at Rotoni.
Ayon pa sa mambabatas, ipinakita ng aktibidad ang sama-samang hangarin ng mga lokal na opisyal, mga guro at iba pang stakeholder na palakasin ang kalidad ng edukasyon at matiyak ang mas magandang kinabukasan para sa mga kabataang Romblomanon.

