Aragones

455 anibersaryo ipinagdiwang ng Laguna

Gil Aman Jul 28, 2026
28 Views

IPINAGDIWANG ng Laguna ang 455th year anniversary nito sa pamamagitan ng pagtitipon nina Gov. Sol Aragones, provincial capitol employees at provincial officials noong Hulyo 28 sa Time plaza ng provincial capitol.

“Mahaba-haba na ang hinayhay ng lalawigan ng Laguna. Marami nang naiambag ang ating mga empleyado, mga mamamayan, at maging ang mga naging gobernador ng Laguna,” sabi ng gobernadora.

Ipinahayag niya ang expansion ng healthcare services sa mga capitol employees.

Bukod sa free dental clinic, pwede na rin maka-avail ng libreng laboratory tests, electrocardiogram (ECG) at X-ray services ang lahat ng provincial government employees.

“Kung inaalagaan ko ang ating mga kababayan sa Laguna, importante ring maayos ang kalusugan ng ating mga empleyado,” ayon sa kanya.

Hinikayat niya ang mga capitol personnel n maglingkod ng may courtesy at compassion.

“Ang lambing lang ni Gov. Sol, ay kasama ko rin kayo sa pag-aalaga sa ating mga kababayan. Kaya dito sa Kapitolyo, huwag magtataray o magsusungit. At dahil diyan, importante ring masaya kayo,” sabi ni Aragones.