Calendar
PNP isinusulong disiplina, kahusayan sa hanay ng kapulisan sa Batangas


KAMPO HENERAL MALVAR, Lungsod ng Batangas — Patuloy ang pagsusulong ng disiplina at kahusayan sa hanay ng kapulisan sa Batangas.
Alinsunod dito, isinagawa ang buwanang pagbisita at inspeksyon ng PNP Headquarters Support Service (HSS) sa mga bagong italagang Police Non-Commissioned Officers (NAPNCOs) na nakabase sa lalawigan noong Biyernes.
Ang pagibisita ay para tiyakin ang pagsunod sa L.O.I. “Tamang Bihis,”pagsusuri sa Body Mass Index (BMI) at pangkalahatang pisikal na estado ng mga trainees.
Ipinahayag ni PCol. Oliver Ebora, Acting Provincial Director ng Batangas PPO, ang kanyang labis na pasasalamat sa delegasyon ng HSS sa pamumuno ni PCOL Ruben B Andiso, DDA, sa kanilang patuloy na gabay at suporta sa Field Training Exercise (FTX) ng mga bagong pulis.

