Taxi

NAHULOG NA BLUE TAXI SA IRIGASYON SA ECIJA, NAI-AHON NA, TAXI DRIVER DEDO SA AKSIDENTE

Steve A. Gosuico Aug 5, 2026
27 Views

Taxi1Taxi2

LLANERA, Nueva Ecija — Naiahon na ang nahulog na taxi sa patubig ng National Irrigation Administration IA sa Zone 6, Bgy. Andres Bonifacio, Llanera.

Nasawi ang driver nito matapos maghatid ng kanyang pasaherong balikbayan mula sa Clark International Airport patungo sa tirahan nito sa nasabing barangay nitong Agosto 2, 2026.

Sa Facebook post na kumalat online mula kay Cathy Anastacio Rapin, makikita na si Vice Mayor Ronnie Roy Pascual umano ang siyang nag-maneho ng pay-loader na heavy equipment upang maiahon ang nahulog na tax sa irigasyon samantalang nakamasid ang kanyang maybahay na si Mayor Marilou Pascual sa retrieval operation ng sasakyan.

Kinilala ang nasawing biktima na isang 57-anyos na driver, nakatira sa 91 Santa Cruz, Porac, Pampanga, minamaneho niya ang isang kulay asul na Toyota Avanza.

Ayon sa pulisya, naganap ang aksidente dakong 9:30 ng gabi.

Bandang alas 2:40 ng madaling araw ay naispatan ang taxi na nakabaliktad sa irigasyon.

Ang drayber ay idineklarang dead on arrival sa Ospital ng San Jose City.