Laguna

Criminal Investigation Course para sa piling pulisya pormal nang binuksna ng PRO 4A

23 Views

Laguna1Laguna2

KAMPO VICENTE LIM, Calamba City, Laguna — Pormal nang binuksan noong Martes ng Police Regional Office 4A (PRO 4A) ang Criminal Investigation Course para sa 50 piling tauhan ng pulisya mula sa iba’t ibang yunit ng rehiyon sa PRO 4A Multi-Purpose Hall.

Nagsilbing tagapagsalita sa opening ceremony si PCol. Maximo F. Sebastian, Jr., Acting Chief ng Regional Staff.

Ang naturang course ay naglalayong paunlarin ang kakayahan ng kapulisan sa case build-up at paglutas ng krimen, wastong pangangasiwa ng mga ebidensya at pagtataguyod ng mga legal na pamamaraan at rule of law.

Ang hakbang na ito ay alinsunod sa B.E.S.T. leadership thrust ni Acting Regional Director PBGEN Dominic L. Baccay at sa Focused Agenda ni PNP Chief PGen. Jose Melencio C. Nartatez, Jr.

Patuloy ang PRO4A sa paghubog ng mga mahusay, etikal, at may pagmamalasakit na imbestigador habang ginagawa ang kanilang mga tungkulin na itaguyod katarungan at mapanatili ang tiwala ng publiko.