MWP Kinilala ni Police Major Kevin Rey Bautista ang murder suspek na naaresto sa General Trias, Cavite. JONJON C. REYES

Top 4 MWP dahil sa pagpatay natunton sa Cavite

Jon-jon Reyes Aug 5, 2026
30 Views

ARESTADO ang isang 18-anyos na binata ng mga operatiba ng MPD Special Manila Reaction Team SMaRT -DID dahil sa kasong pagpatay matapos matunton ito sa Woodcress Phase 7, Lancaster New City, Brgy. Tapia, General Trias, Cavite, Martes ng hapon.

Nakilala ang suspek na si alyas Samuel, tubong Biri, Northern Samar, trabaho, at kasalukuyang naninirahan sa Model Community, Brgy. 118, Rawis, Tondo, Manila.

Ayon kay PLt.Col. Cicero M. Pura, hepe ng S.Ma.R.T-MPD bandang 5:15 ng hapon ng maaresto ang binata sa pamumuno ni PMaj. Kevin Rey D Bautista, Assistant Chief ng S.Ma.R.T.

Ang arrrest warrant laban sa suspek ay inisyu ni Manila RTC Branch 33 Judge Edgardo Cruz Saplala. Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Ang naarestong akusado ay pansamantalang ikukulong sa MPD Integrated Jail matapos sumailalim sa pagsusuring medikal.