MWP

MWP sa rape, mahalay ng mga aktibidad nasakote

29 Views

MWP1

BATANGAS CITY — Nadakip noong Martes ng mga tauhan ng Batangas Police Provincial Office ang isang lalaking kabilang sa talaan ng Regional Most Wanted Person sa Balayan, Batangas.

Ang suspek na kinilalang si alyas Macky, 36, at residente ng Barangay Santol sa nabanggit na bayan, ay nadakip bandang 4:43 ng hapon sa pamumuno ng Balayan Municipal Police Station sa ilalim ng PRO4A Oplan Bantay Dangal.

Ang suspek ay dinampoyb bisa ng warrant na inilabas ng Regional Trial Court Branch 1 sa Balayan para sa mga kasong rape at acts of lasciviousness o paglabag sa Artikulo 336 ng Revised Penal Code.

Para sa kasong rape, walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek. Itinakda naman sa ₱36,000 ang piyansa para sa kasong acts of lasciviousness.

Ayon sa kapulisan, ginamitan ng body-worn camera ang operasyon upang matiyak ang tamang proseso. Agad ding ipinaalam sa suspek ang kaniyang mga karapatang konstitusyonal.

Kasalukuyang nakadetene ang suspek sa Balayan Municipal Police Station habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento para sa legal na proseso.