Wanted SOURCE: Larawan mula sa FB/PNP

NO. 1 MOST WANTED SA PALAWAN, TIMBOG SA 4 NA KASONG RAPE

166 Views

Arestado ang No. 1 Most Wanted Person ng Police Regional Office 4B (PRO4B) matapos matunton sa Barangay Talog, Taytay, Palawan noong Martes ng gabi, Agosto 11.

Nasakote ang suspek sa magkasanib na operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Palawan Provincial Field Unit at Taytay Municipal Police Station.

Isinagawa ang pag-aresto batay sa warrant na may kaugnayan sa dalawang counts ng Qualified Rape of a Minor, kung saan walang inirekomendang piyansa, at dalawang counts ng Rape by Sexual Assault na may inirekomendang piyansang ₱240,000.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG Palawan Provincial Field Unit ang suspek para sa kaukulang proseso at disposisyon.

Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., patuloy na tutugisin ng kapulisan ang mga wanted na indibidwal upang maipatupad ang mga warrant at mapanagot ang mga nahaharap sa seryosong kaso, alinsunod sa due process.