Calaca

Negosyante natumbok sa pagbebenta ng puslit na usok, P1.7M yosi nasamsam

33 Views

Calaca1CALACA, Batangas — Arestado ang isang may ari ng tindahan matapos mahulihan umano ng halos ₱1.7 milyong halaga ng puslit na sigarilyo sa entrapment operation na isinagawa sa Barangay Poblacion 1 sa lungsod na ito, araw ng Miyerkules, Agosto 12.

Pinosasan agad ang suspek na si alyas Marvin, 33, matapos umano magbenta ng mga sigarilyong walang kaukulang buwis sa mga nagpanggap na buyer mula sa PRO 4A at Batangas PNP.

Pumalo sa ₱1,719,000 ang kabuuang halaga ng ebidensyang nasamsam batay sa valuation ng Bureau of Customs (BOC).

Kinasuhan na ang suspek ng paglabag sa RA 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act at RA 8424 o ang National Internal Revenue Code dahil sa ilegal na pagbebenta at distribusyon ng tobacco products ng walang kaukulang buwis.

Nagbabala si PRO 4A Regional Director PBGen. Dominic Baccay na walang puwang sa rehiyon ang smuggling at ilegal na kalakalan na nagpapalugi sa gobyerno.