Batangas1

Miyembro ng CTG nagbalik-loob sa Batangas; baril, granada isinuko

42 Views

Batangas

NASUGBU, Batangas — Isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ang kusang-loob na sumuko sa mga awtoridad noong Miyerkules, ika-12 ng Agosto, sa Kampo Jose P. Razon, Sitio Palico, Brgy. Bilaran sa bayang ito.

Naging matagumpay ang pagsuko ng dating rebel sa tulong ng pinagsamang pwersa ng 2nd Batangas Provincial Mobile Force Company (PMFC) at Nasugbu Municipal Police Station.

Isinuko ng nagbalik-loob sa mga otoridad ang isang .38 caliber revolver na walang serial number at hand grenade na agad ding isinuko sa mga awtoridad.

Kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng 2nd PMFC ang dating rebelde para sa kaukulang dokumentasyon, debriefing, at legal na proseso.

Agad inasikaso ng mga awtoridad ang kanyang kwalipikasyon upang makatanggap ng tulong mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.

Ayon sa pamunuan ng pulisya, ang nasabing pagbabalik-loob ay patunay ng epektibong intelligence-based operations at ng matagumpay na pagsusulong ng lokal na usaping pangkapayapaan sa Batangas.