Calendar
Larawan: Tacloban City Information Office/FB
Estudyanteng biktima sa shooting incident sa Tacloban kinilala bilang ‘Young Hero’






KINILALA ng Tacloban City Government bilang “Tacloban Young Hero” ang 15-anyos na si Chris Lorenz Fabian dahil sa kanyang pambihirang tapang at sakripisyo sa nangyaring pamamaril sa San Jose National High School (SJNHS) noong Hunyo 22, 2026.
Iginawad ang pagkilala kay Fabian noong Agosto 12, 2026 sa naturang paaralan, kasabay ng paggunita sa International Youth Day.
Nakabatay ang pagkilala sa City Ordinance No. 2026-16-15, na nagbibigay-pugay sa mga kabataang nagpakita ng pambihirang katapangan at malasakit sa kapwa.
Isa si Fabian sa tatlong estudyanteng nasawi sa malagim na insidente sa SJNHS.
Sa seremonya, personal na ipinahayag ng kanyang ina na si Erbea Fabian ang pasasalamat sa pamahalaang lungsod at sa iba pang kumilala sa kabayanihan ng kanyang anak.
Sa pamamagitan ng pagkilalang ito, opisyal na binigyang-pugay ng Tacloban City ang alaala ni Fabian bilang isang kabataang nagpakita ng tapang at isinakripisyo ang sarili sa gitna ng trahedya. Tacloban City Information Office.

