PCG

Libreng konsultasyong legal ng PCG-SF, IBP-California matagumpay

31 Views

PCG1PCG2

NAGING matagumpay ang isinagawang Free Legal Aid Clinic ng Konsulado ng Pilipinas sa San Francisco, California katuwang ang Integrated Bar of the Philippines California Chapter (IBP-California), na ginanap ngayong Agosto sa Philippine Center.

Layunin ng nasabing inisyatibo na magkaloob ng libre, maaasahan, at mabilis na serbisyong pambatas para sa mga Pilipino sa Bay Area na nangangailangan ng gabay sa iba’t ibang usaping legal.

Dahil sa positibong pagtanggap at tagumpay ng programa, inihayag ng Konsulado na magpapatuloy ang libreng konsultasyon sa susunod na buwan.

Magbabalik ang mga dedikadong legal experts at abogadong kasapi ng IBP-California Chapter upang maghandog muli ng libreng payo sa publiko.

Hinimok ang mga kababayang nangangailangan ng tulong-legal na huwag mag-atubiling sumangguni.

Para sa opisyal na iskedyul at karagdagang detalye, bisitahin ang opisyal na website at mga social media page ng Konsulado.