Pic3

Ugnayang PH, ASEAN Committee pinagtibay

164 Views

PicPic1Pic2

PINAGTIBAY ng embahada ng Pilipinas sa Washington DC at ng ASEAN Committee in Washington (ACW) Agosto 18 ang ugnayan sa pagdiriwang ng ASEAN Day 2026 sa Royal Cambodian embassy sa lungsod na ito.

Nanguna sa pagtitipon ang Royal Cambodian Embassy na namumuno sa ACW.

Dinaluhan ang morning reception ng mga embahador ng ASEAN, mga diplomat, opisyal ng Estados Unidos at iba pang katuwang na sektor.

Tampok sa kaganapan ang outdoor reception ns itinampok ang iba’t-ibang lutuin mula sa Timog-Silangang Asya.

Ginamit ng Pilipinas ang pagkakataon upang ipahayag ang mga prayoridad ngayong hawak ng bansa ang pagkapangulo ng ASEAN.

Binigyang-diin ni Philippine Ambassador Jose Manuel Romualdez ang kahalagahan ng pagkakaisa sa ilalim ng temang: “Navigating Our Future, Together.”

Ang taunang ASEAN Day ay ginugunita tuwing Agosto 18 upang alalahanin ang pagkakatatag ng samahan noong 1967 sa Bangkok Declaration.