Laguna Ang pagamutang panlalawigan ng Laguna sa San Pablo City.

20 doktor madadagdag sa 3 ospital sa Laguna

Gil Aman Aug 22, 2026
138 Views

MAGDADAGDAG ng 20 doktor si Gov. Sol Aragones sa Lunes sa tatlong districts hospital sa Laguna upang maging episyente ang serbisyo sa tao.

Magiging katuwang ang Laguna Health team sa pangunguna ni Dr. Eric Tayag.

Simula sa Agosto 24, ang mga healthcare worker ay higit na masusuportahan ang pangangalagang medikal para sa mga Lagunense.

Idedeploy ang mga karagdagang doktor sa Laguna Medical Center, Dr. Jose P. Rizal Memorial District Hospital sa Calamba at sa San Pablo District Hospital.