Kush

2 arestado sa P1.5M Kush na halagang P1.5M

133 Views

Kush1Kush2

BINANGONAN, RIZAL — Bagsak sa kulungan noong Linggo ang dalawang drug suspek matapos masamsam ng humigit-kumulang isang kilo ng Kush na nagkakahalaga ng P1.5 milyon sa bayan na ito.

Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Rizal Provincial Office ang mga naaresto na sina alyas Karl, 33; st Rhea, 32.

Naganap ang operasyon alas-6:20 ng gabi sa pakikipagtulungan ng PDEA Rizal at PNP Regional Intelligence Unit 4A-Provincial Intelligence Team (RIU4A-PIT).

Bukod sa marijuana, narekober ng PDEA team ang marijuana resin, mga vape canisters, timbangan at mga cellphone na ginamit sa transaksyon.

Nakatakdang sampahan ang mga suspek ng kaukulang kaso para sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).