Calendar
Magsino pinasalamatan DMW, OWWA sa pagtulong sa 3 Pinoy sa Romania
PINASALAMATAN at pinapurihan ni OFW Party List Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino (19th Congress) ang pamunuan ng Department of Migrant Workers (DMW) dahil sa direktang tulong na ipinaabot nito para sa tatlong Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagtatrabaho sa Bucharest, sa bansang Romania bilang mga domestic workers sa pamamagitan ng pinansiyal at medikal na tulong.
Ang tatlong Pinoy sa Romania, ayon kay Magsino, ay dumanas ng matinding karamdaman habang pinasalamatan narin nito ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na naging katuwang ng DMW sa pagpapadala ng tulong sa tatlong Pilipino.
Muling ipinaalala ng Lady solon ang hirap na pinagdadaanan ng mga OFWs habang sila ay nakikipag-sapalaran sa ibang bansa partikular na kung sila ay magkalasakit dahil walang makakatulong sa kanila.
“Alam niyo naman na kapag nasa ibang bansa tayo at tayo’y nagkasakit ng maluba, para guguho ang mundo natin. Wala kang pamilya, walang mag-aalaga sayo at napakamahal pagpapa-ospital. Kaya napakahirap ng kalagayan ng ating mga OFWs,” ang pahayag ni Magsino sa kaniyang programang “Boses ng OFW, Boses ng Masbate.
Sa nasabing radio program, sinabi ni Magsino na personal na nagtungo sa Romania sina DMW Sec. Hans Leo Cacdac at OWWA Administrator Patricia Yvonne Caunan para bisitahin sa ospital ang tatlong Pinoy at personal na kamustahin ang kanilang kalagayan at tugunan ang kanilang mga agarang pangangailangan.
Bukod dito, sabi pa ni Magsino na tinaguriang “Ate Marissa” na may dalawa pang Filipina sa Romania ang kasalukuyang sumasailalim sa matinding cancer treatment subalit tinutulungan narin ng DMW at OWWA.
“Bukod po dito may dalawa pa tayong kababayan na household service worker sa Romania na kasalukuyang sumasailalim sa counter treatment. Kailangan nila ng matinding gamutan at chemotherapy, sila po ay nakatanggap ng tulong mula sa welfare assistance program medical ng OWWA para mabayaran ang kanilang napaka-mahal na medical expenses,” dagdag na pahayag ni Magsino.
To God be the Glory
