Bangkay

61-anyos na lalaki binaha sa bahay, nakitang walang buhay

161 Views

Bangkay1

RODRIGUEZ, Rizal–Natagpuang patay ang 61-anyos na lalaki sa sahig ng kanyang terrace sa Kasiglahan Village, Brgy. San Jose sa bayang ito Agosto 30 matapos ang baha.

Nabatid sa Rodriguez police na bandang alas-7:50 ng umaga natagpuan ang bangkay ni alyas Ferdinand.

Naglilinis ng mga tahanan ang mga kapitbahay matapos humupa ang baha nang mapansin nilang nakahandusay ang biktima sa kanyang terrace.

Nang lapitan at suriin, naitala na wala nang senyales ng buhay ang biktima.

Nagtungo sa lugar ang mga imbestigador matapos makatanggap ng report ang Rodriguez police.