Diplomats’ dialog pinangunahan ng konsul heneral
May 4, 2026
Region 4A payapa Labor Day event
May 4, 2026
Bauan nagdiwang ng 25th Sublian fest
May 4, 2026
Calendar
Motoring
43k pasahero apektado sa 295 kanseladong flight
Peoples Taliba Editor
Oct 30, 2022
400
Views
UMABOT sa 43,151 pasahero ang naapektuhan ng pagkansela sa 295 sa 618 scheduled flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Oktobre 29 dahil sa pananalasa ng bagyong Paeng.
Pansamantalang isinara ng Manila International Airport Authority ang runway ng paliparan alas-4 ng hapon noong Sabado dahil sa malakas na hangin at ulan.
Alas-10 ng gabi ng muling payagan ang paglapag at pag-alis ng mga eruplano sa NAIA.
Nagbigay naman ng libreng rebooking ang mga airline companies sa mga naapektuhang pasahero.
Ang mga may katanungan ay maaari umanong makipag-ugnayan sa MIAA sa SMS Hotline: 0917-8396242, Voice Hotline: 88771-1111, Facebook, Twitter at Instagram.
LTO nag-isyu ng SCO sa driver na nagpunit nig ticket
Apr 15, 2026
Gobyerno umalalay, nagbigay ng libreng sakay
Mar 19, 2026
DOTr pinabulaanan mga alegasyon
Mar 15, 2026
