P8M halaga ng smuggled na sigarilyo nasabat

177 Views

NASABAT ng Bureau of Customs-Port of Zamboanga (BOC-POZ) ang tinatayang P8 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa Zamboanga City.

Sa ulat na inilabas ng BOC ngayong Nobyembre 5, isang anti-smuggling operation umano ang isinagawa laban sa isang trak na may dalang kontrabando noong Nobyembre 2.

Narekober ng otoridad ang 207 master cases ng sigarilyo na may brand na Arthur na sakay ng Elf van at naharang sa Brgy. Baliwasan in Zamboanga City.