Calendar
Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr.
Abante: Walang multo, palpak na proyekto sa distrito ko
TINIYAK ni Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante na walang ghost at substandard flood control project sa kanyang distrito, ang ika-anim na distrito ng lungsod, taliwas sa alegasyon ng kanyang mga kalaban sa politika.
“And I would like to say that there’s no substandard project in my district, there’s no ghost project in my district that I could be able to assure the public about that,” ani Abante, chairman ng House committee on human rights, sa panayam ng Bilyonaryo TV noong Biyernes.
Ipinaliwanag ni Abante na may sistema ng pagbabantay ang kanyang tanggapan upang matiyak ang kalidad at pagkompleto ng mga proyekto.
“So hindi po, hindi ma-kompleto ‘yan, because we cannot inaugurate it if it’s not completed,” sabi ni Abante.
Nang tanungin kung posibleng makakita pa rin ang mga residente o mamamahayag ng substandard na proyekto sa distrito, mariin ang sagot ng lider ng Kamara.
“Wala kayong makikita. During my time, I do not know the past congressman, but during my time, wala,” giit ng kongresista.
Binigyang-diin ni Abante na matagal na niyang kabisado ang mga pangunahing pangangailangan ng kanyang distrito sa imprastruktura.
“I was a congressman in 2004 until 2010 and then I came back in the 19th Congress and then this Congress,” ani Abante.
Dagdag pa ng kongresista, sinuri niya ang listahan ng mga kontratistang tinukoy ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at wala umano sa mga ito ang gumagawa ng mga proyekto na kanyang isinulong para sa kanyang distrito.
