Rep. PM Vargas

Akusasyon ni Curlee Discaya sa Senate inquiry itinanggi ni Vargas

Mar Rodriguez Sep 8, 2025
363 Views

MadronaMARIING itinanggi ni House Deputy Majority Leader at Quezon City 5th District Representative Patrick Michael “PM” D. Vargas ang mga ipinukol na akusasyon ng contractor na si Pacifico “Curlee” Discaya sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuann ni Senator Rodante Marcoleta kaugnay sa maanomalyang flood control peojects.

Binigyang diin ng House Deputy Majority Leader na wala umanong katotohanan ang mga ipinahayag ni Discaya sa Senate investigation kung saan binanggit nito ang pangalan ng mga kongresista na di-umano’y nakinabang at naambunan ng malaking “kickback” mula sa mga nakorner na flood control projects ng kompanyang pag-aari ng mga Discaya.

Sinabi ni Vargas na wala siyang naging project sa anomang kompanyang pag-aari ng mga Discaya para sa kaniyang distrito taliwas sa mga naging testimonya ni Curlee Discaya sa Senate Blue Ribbon Committee.

Dahil dito, Tahasang ipinahayag ni Vargas na magsasampa siya ng kaso laban kay Curlee Discaya kung saan mapapatunayan ng kaniyang track record bilang mambabatas na kailangan aniya ay hindi nadawit ang kaniyang pangalan sa katiwalian.

“Walang project ang mga Discaya sa district namin kailanman. Zero. This is confirmed and certified. I will file a case against them for this blatant lie, my track record speaks for itself,” sabi ni Vargas.

Kasabay nito, ganito rin ang naging pahayag ni Romblon Lone District Representative Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona na nagsabing wala umano siyang natatandaan na nagkaroon din siya ng proyekto sa mga Discaya kaya wala aniyang basehan ang mga testimonya ni Curlee sa Senado.

Pagdidiin ni Madrona na wala umanong matibay na basehan ang mga pinagsasasabi ni Curlee Discaya sapagkat wala siyang nalalaman na nagkaroon ng anomang proyekto sa kaniyang distrito.

“To my recollection, wala akong project sa kaniya. So anong basehan ang mg sinabi niya laban sa akin. I heard he bidded on projects sa aming budget sa Romblon pero I have no hand and knowledge on how he pays those involved,” sabi ni Madrona.